Saturday, November 14, 2015

Larawan #2: PAGOD


Gaya ng mga ibon,
kahit malaya man silang lumilipad sa himpapawid
kahit akap akap nila ang langit at ang ulap
kahit sumasabay sa bugso at agos ng hangin
at libreng makapaglibot sa mga lugar
ay katulad mo.
katulad natin.
Napapagod rin.

Friday, November 13, 2015

Larawan #1 Bagong UMAGA


Ang bukang liwayway ay hudyat ng simula...
Bagong umaga, bagong karanasan, bagong kwento...
Gaya ng isang librong nasa unang pahina - di mo alam ang nilalaman
isang hiwaga, misteryo at kapanapanabik.
Ang lahat ng bagay ay may pinagmulan.
Ngunit minsan, hindi dapat natin ang pinagmulan.
Ang dapat tukuyin ay ang laban na pagdaraanan o pinagdaanan..
Ang sakit at hinagpis na pinagdanan..
Ang lahat ng memorya't karanasan na naimbak sa puso't isipan..
Dahil ang lahat ng ito ang magatatakda
ng resulta't katapusan